Talagang hindi pinalampas ni Sharon Cuneta ang isang basher na pinagsabihan siya na hindi tumutulong at kung tumulong man ay kailangan raw ng camera.

"Share mo na lang kaya ang blessings mo sa mga apektado yung walang camera ha":sabi ng basher kay Sharon 

Kaya naman agad niresbakan ni Sharon ang nasabing basher.

"Nananawagan nga ako sa ibang gusto ding tumulong. Ang dami mong hindi alam sa mga nagawa ko na at ng pamilya ko, pati mga anak ko nag-aambag mula sa ipon pati alkansya. Ang na "camera" gaya ng sabi mo at naisulat na ay kakaunting % lang ng alam ng Panginoong naitulong..." 

"namin ng galing sa puso at walang nakakaalam. Beside, KAILANGAN namin ipaalam ang napaalam na dahil humihingi din kaming tulong mula sa iba na nagpapakitang kung kami ay may naitulong, sana sila/kayo rin. Yon LANG ang dahilan ng pinapaalam sa publiko. Di na namin kailangan ng puri o sikat, nagbabawas pa baka puwede." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post