Ipinagtanggol ng dating actress na si RR Enriquez ang actor na si Gerald Anderson matapos itong batikusin ng ilang netizens dahil sa sinabi nito na hindi pa niya papakasalan si Julia Barretto.

Ayon kasi kay Gerald bata pa raw si Julia at marami pa raw itong mai-offer sa industry lalo na sa talent nito at ayaw raw niya na maging hadlang nito.

Matapos nito ay maraming bumabatikos sa actor at agad namang ipinagtanggol ito ni RR.

Sabi ni RR:

"Gosh tigilan nyo kaka bash kay Gerald🥵😂

Walang masama sa sinabi nya. Sawsaw kayo ng sawsaw, makikisawsaw na din ako para join force tayo! CHAR😂😂😂

Ito ang nagagawa ng pandemya! Makichismis ng makichismis😂

Actually gusto ko magkaroon ng sariling vlog show since mahilig ako makisawsaw in a good way (hindi yung maninira lang ng tao😜) basta magku comment lang😂 Ganern! So start ko now?🤔🤪

Wala namang masama sa sinabi ni Gerard. Wala din naman sya sinabi na ayaw nya pakasalan si Julia. He’s just being wise sa decision nya!

Julia is still young. Madami pa talaga sya iooffer sa industriya. Sayang din yung opportunity.

Ito din yung time na dapat ini enjoy lang muna nila yung relationship nila as boyfriend and girlfriend.

Ilang years pa lang ba sila at bakit gusto nyo ikasal na sila???😂

Yung iba kasi akala nila solusyon palagi ang kasal! Parang kasal ang mag di define sa pagkatao mo! Tapos ending ang dami nagpakasal na nag hiwalay. Or kasal nga pero mga miserable ang buhay mag asawa😢

Sobrang dami nagdi divorce ngayon. Why? Isa sa dahilan mga nagmamadali magpakasal. Yung grabe mag plan ng wedding pero hindi naplano yung word na marriage!

Pero hindi ko nilalahat yan ha. Madami din ako kakilala na sobrang tibay ng marriage life nila♥️🙏🏼 Mas madali lang talaga ang naghihiwalay😢 Na kung makipag divorce akala mo jowa yung dinivorce😢🥵

Kaya hayaan natin yung tao, if he doesn’t want go get married for now huwag natin sya pakialamanan.

Ako nga 38 na at si frog 45 pero wala kami ka plan plan😂😂😂 Pero mas tumagal pa relasyon namin sa ibang nagpakasal😂 Ehem proud 12 years♥️

So you see huwag natin gamitin ang salitang kasal para lang masabing sineryoso tayo ng tao. Or minahal tayo ng tao. Dahil sa panahahon ngayon, traffic na lang sa edsa ang tumatagal. CHAR😝🤪

Any name ng talkshow vlog na maisa suggest nyo? Parang gusto ko gawin?😂

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post