Viral ngayon sa social media ang isang video kung saan masayang nagbisikleta ang asawa ni Judy Ann Santos na si Ryan Agoncillo kasama ang kanilang mga anak.

Sa Instagram page ni Juday, ibinahagi ang nasabing video.

"ECQ 3.0 day 1. Keep em active, while having fun and staying safe," sabi ni Juday sa kanyang caption

Sa kalagitnaan ng video, makikita na aksidenteng nahulog sa bisekleta ang kanilang anak na si Lucho.

Agad namang tumayo si Lucho na parang walang nangyari.

Maririnig naman sa video ang naging reaksyon ni Juday matapos mahulog ang kanyang anak.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post