Nagulat at nagtataka ang actor na si Hero Angeles matapos siyang magpositibo sa Covid-19 matapos siyang sumailalim sa swab test.

Kwento ng actor, hindi raw natuloy ang plano nilang magout-of-town dahil sa naging resulta ng swab test.

Basahin dito ang kabuuang kwento ng actor. 

"Few weeks ago, nag-positive ako sa Covid-19. Nakakagulat at nakakapagtaka. Napatanong nalang ako sa sarili ko, totoo ba to?

"I was invited for an out of town vacation with my friends at lahat kami excited dahil allowed na magtravel kahit pandemic. We had our RT-PCR swab test few days before our flight. The results came the next day. They all got a negative result and mine's a positive.

"Parang huminto ang mundo ko that time dahil di naman ako lumalabas ng bahay kung di importante, napaisip ako kung paano ko nakuha ang virus. I got worried too dahil may mga kasama ako sa house na seniors, with comorbidities, and I have hyperthyroidism. We immediately took RT-PCR swab test at home from a different lab company and our results were all negative!

"Our trip was cancelled and we followed the protocol even if we all have negative results. Yung 1st result ko daw kasi ang i-honor. My friends and family coordinated with our contact tracers and took the 14-day home quarantine.

"I just got confused with my results. From positive, naging negative agad sa loob lang ng 24hrs. Is that even possible? We talked to the laboratories na nagperform ng tests ko and sabi nila, depende daw yun sa test kit na ginagamit. Di ko na tuloy alam kung anong kit ba ang mas accurate talaga.

"Pero I am thankful to God kasi we all got cleared and walang nagkasintomas kahit isa sa amin. But at the same time, I am really sorry that this happened. Sorry po sa lahat ng close contact ko na nadamay. Sa mga nangamba at natakot. Sa mga trabaho na naabala. Sa mga special events na nacancel at di naattendan. At sa trauma na naexperience ng lahat.

"Sa pangyayaring ito, I realized that life is really short but full of surprises. We need to take good care of our health. We need to have a strong support system. We need to be more senstitive and strong for ourselves and others. It was really depressing but this incident strengthened my faith. I even thanked God for this dahil mas naging aware ako sa maraming bagay.

"Gusto ko lang din magpasalamat sa aming LGU, contact tracers at mga taong nangamusta during and after our quarantine period. Naappreciate ko po ang inyong suporta at pagmamahal. ❤"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post