Buong tapang na inamin ni Andrea Brillantes sa isang interview na nasasaktan siya sa tuwing may bagong artista na mabilis sumikat.

Sa nasabing interview tinanong si Andrea ng: "Meron ka bang pinaka ayaw na experience sa trabaho?" 

Sagot ni Andrea: "Antagal ko na kasi di ba, sobrang sakit sakin na pag may mga bagong dumadating sikat na sila agad. Na ako yung mga hindi na kailangan na... ansakit... parang plato na binasag, ako.

"Yun ako, ako yung plato, sa tuwing nakikita ko ang lahat ng taon na pinagtatrabahuhan ko. Lahat ng taon na dasal nang dasal ako para makuha iyon. 

"Tapos etong bagong to, makukuha niya lahat. Makikita ko siya diyaan. Tapos ako bakit, ginawa ko naman lahat, nagdarasal ako araw-araw. Ilang taon na. Tapos mapupunta lang sa iba. 

"Anong kulang sakin, ano pa bang dapat kong gawin. Ang sakit-sakit. Sakit-sakit." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post