Buong tapang na inamin ni Aj Raval ang totoong dahilan kaya sila naghiwalay ng kanyang boyfriend na si dating PBB housemate Axel Torres.

 Sa virtual conference ng kanyang latest movie na "Taya", ibinunyag ni Aj na hindi raw matanggap ni Axel ang ginagawa niyang pagpapa-sexy sa pelikula.Nangyari ang kanilang paghihiwalay dalawang buwan na ang nakalipas.

"To be honest po, marami kaming naging problema sa career namin kaya nag-end po nang maaga yung relationship namin," pag-amin ni AJ.

"Hindi po ako magsisinungaling. Hindi po ako magpapakitang-tao. Yun po ang pinaka-reason," ayon pa kay AJ sa kanyang daring roles sa mga pelikula.

"Gusto ko pong ipagpatuloy yung karera ko. Gusto ko pong sumugal sa karera ko kaysa sa love life," dagdag pa ng 25-anyos na showbiz royalty.

"Ayaw din po talaga niya ng karera ko ngayon. Ayaw po niya akong magpaseksi, which is naiintindihan ko naman siya sa part niya. Pero kung susugal man ako sa pag-ibig, talo naman po ako sa karera. Pero kung susugal naman po ako sa karera, panalo pa rin ako," paliwanag pa ng aktres.

"Napaka-conservative ko pong babae hanggang sa nag-artista po ako. Parang dun po ako nag-start magpaseksi, so naiintindihan ko po siya sa part na hindi niya ako ganoon kakilala kaya hindi niya po matanggap na ganito ang career ko," saad pa ni Aj 

Source: PEP.PH

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post