PHOTO: Screen Grab from Gandemic: The VG-Tal concert

Di mapigilang maging emosyonal nina Anne Curtis at Vice Ganda matapos silang magreunite sa Digital Concert ng komedyante kagabi, July 17 na Gandemic: The VG-Tal Concert.

Ito ang unang pagkakataon na muling nagkatrabaho sina Anne at Vice simula nung nagmaternity leave ang actress last December 2019.

PHOTO: Screen Grab from Gandemic: The VG-Tal concert

Ayon kay Vice, hindi raw sila nagkaroon ng rehearsal ni Anne.

"Hindi kami nagkita talaga at all. Hindi kami nagkita sa rehearsal.Ito lang yung first time [actual performance]. Gusto ko dito lang tayo magkikita, at saka ayokong lumabas ka. Siyempre, may bagets. Sabi ko, one time big time lang lalabas si Anne. Huwag nang palabasin. 

"Kanina, naiiyak na ako nang makita kita, pero sabi ko hindi. I really miss you so much," sabi ni Vice 

PHOTO: Screen Grab from Gandemic: The VG-Tal concert

Sabi naman ni Anne si Vice lang daw ang nagkapagpalabas sa kanya.

Ipinaliwanag naman ng komedyante na kaya hindi lumalabas si Anne dahil may baby ito.

 "Hindi kasi siya lumalabas kasi, siyempre, may baby kaya nga isang tawag ko lang sa kanya, nag-yes naman siya, pero suntok sa buwan iyon. But I would understand if you will say no. Siyempre, nanay, hindi naman rampa-rampa lang ito."

Inamin rin  ni Vice na masayang-masaya siya dahil naguest si Anne sa kanyang concert.

PHOTO: Screen Grab from Gandemic: The VG-Tal concert

Ayon pa kay Vice yung kinanta raw nila ay para yun sa actress.

"Yung mga kinanta natin, puro para sa iyo talaga iyon, I am officially missing you,"

Nagbiro naman si Anne na kaya siya naiyak dahil ang hirap raw kantahin ng mga song choice ng komedyante.

PHOTO: Screen Grab from Gandemic: The VG-Tal concert

"Ang ganda ng mga pinili mong songs, pero kaya rin ako naiiyak kasi ang hirap nilang kantahin."

Sinabi rin ni Anne sa nasabing concert na babalik siya soon sa Its Showtime.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post