Talagang di mapigilang maging emosyonal ni Dave Almarinez sa kasal nila ni Ara Mina ng sabihin nito ang wedding vows niya para sa actress.

Narito ang snippet sa wedding vow ni Dave para kay Ara Mina.

"Ano bang nagawa ko? Sobrang pinagpala ako ni Tadhana. Pinili mo ako. Isa lang naman ako simpleng tao para sa isang sikat na Ara Mina. 

"College pa lang ako, kilalang-kilala ka na. Crush ng bayan. Pero sa totoong buhay, kung saan walang ibang titulo kundi ikaw at ako. 

"Si Dave at Ara or Hazel at Dave. 

"Alam ng puso natin kung ano ang mahalaga. Sa araw na ito, katapusan ng buwan. 

"Pero ngayon ang umpisa ng ating 'now' and ng 'always' ng 'forever.' Ito ang aking pangako sa iyo, Hazel, forever kitang aalagaan. Forever kitang itataguyod. Forever na itataguyod ko ang ating pamilya at bibigyan ng pangalan na malinis at marangal. 

"Ang pangarap ko ay pangarap ko din. Ngunit siguro ang biggest kong pangarap ay yung mapasaya ka. Mapangiti sa gitna ng anumang pagsubok." 

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post