Viral ngayon sa social media ang nakakatuwang kwento ng komedyanteng si Vice Ganda na kung saan pinagalitan raw siya ng kanyang mga kasambahay dahil sa kalalabas niya.

"Ako, yung mga kasambahay ko, nauna pa silang magpabakuna sakin. Nagulat na lang ako, nabakunahan na sila,"kwento ni Vice sa isang episode sa Its Showtime

"Sabi ko, 'Ay nagpabakuna na kayo?' tas sabi, 'Oo para safe kami. Labas ka kasi ng labas' sabi sakin," sabi ng komedyante na kung saan natatawa ang mga co-host nito sa Its Showtime 

"Sabi, 'Kami isa't kalahating taon na kami nandito sa bahay, hindi kami lumalabas. Ikaw, labas ka ng labas, trabaho ka ng trabaho diyan sa ABS. Malay ba namin kung madumi ka' sabi sakin." dagdag pa ng komedyante 

Nang tanungin naman siya ni Vhong kung ano ang naging sagot niya sa kanyang mga kasambahay: "Sabi ko, 'Pasensya na ah. Buti na lang nakapag-adjust kayo sa hanapbuhay ko.' Ako pala ang frontliner sa bahay." 

Narito ang video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post