Kumpirmado na ang pagbabalik kapuso ng actor na si Rafael Rosell

Base sa artikulo ng PEP.PH, kasama si Rafael sa Kapuso drama series na To Have and To Hold, na pinapangunahan nina Carla Abellana, Rocco Nacino, at Max Collins.

Kumpirmado na raw ito sa press release na ipinadala ng GMA ngayong Hulyo 11, Linggo ng umaga kaugnay sa pagpirma muli ni Max ng kontrata sa Kapuso Network noong Hulyo 9, Biyernes.

Huling napapanood si Rafael sa teleseryeng"Huwag Kang Mangamba".

Maalala na umalis si Rafael sa GMA noong 2019 para bumalik sa ABS. Ngunit dahil sa epekto ng shutdown at pagkakansela ng kanyang teleserye kasama sana si Bea Alonzo, muling magbabalik as kapuso ang aktor.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post