Talagang di mapigilang magreact ni Lolit Solis sa rumored na relasyon nina Julia Montes at Coco Martin.

Kamakailan lang ay naispatan sina Juli at Coco na magkasamang nagshopping sa Greenhills.

Sabi ni Lolit:

"Kung tutoo Salve na lumalabas na ngayon together sila Coco Martin at Julia Montes ang ganda naman. Matagal din itinago kung anuman ang relasyon ng dalawa kung tutoo ngang meron, itong paglabas nila together para narin validation na tutoo nga, we are in a relationship. 

"Marami naman ang masaya para sa kanilang dalawa, actually nga parang bagay na bagay ang partnership nila dahil pareho silang private. Kung talagang sila nga,sana maging open na talaga para hindi na kailangan itago pa ang mga kilos. 

"Dapat pag in love, nakikita ng buong mundo ang iyon ligaya nyong dalawa, at dahil love is the most precious thing dapat ipinagmamalaki, isinisigaw. 

"Huwag itago dahil masaya lahat para sa inyong dalawa. Ang ganda nga ngayon ni Julia Montes, at mukhang at peace naman si Coco Martin, para mas maganda, shout it to the world. I Love You, and we wish you happiness."


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post