Di mapigilang magreact ng Kapamilya director na si Erick Salud, sa paglipat ni Bea Alonzo sa GMA Network. 

Ngayong araw July 1, ay pumirma na ng kontrata ang actress na si Bea sa Kapuso Network.

Sa tweet post ni Direk Erick, ay inilabas niya ang kanyang saloobin kaugnay sa paglipat ni Bea sa nasabing network.

Sabi niya :"Bakit kaya? May project siya na nasimulan at na-promote na prior to pandemic. Tapos sey niya, 'di pa siya ready mag-shooting. Ayun pala lilipat. Aaaarte! Naghihirap ba siya? E, may big farm nga. Kaloka siya!"


Si Bea ay may proyekto sana sa ABSCBN na Kahit Minsan Lang peru nacancel ito dahil sa pandemya.

Peru ayon sa report ng LionheartTV may source raw na nagsasabing si Bea mismo ang nagback-out sa nasabing serye na kung saan makakatambal sana niya si Richard Guttierrez.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post