Super proud ang actress na si Julia Montes sa success ng kanyang kaibigang si Kathryn Bernardo.

Maalala na noong 2010, ay nagkatrabaho sina Julia at Kathryn  sa successful na serye ng ABSCBN na Mara Clara, remake ito sa hit na TV Series nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes noong 1992.

Sa recent interview ni G3 San Diego ng Mega Entertainment kay Julia ay inamin nitong sila ang first at perfect loveteam ni Kathryn.

“Actually, ang dating sa akin, it’s meant for me to be with Kath nu’ng panahon na ‘yun kasi nag-work kami together dahil hindi kami nagkakitaan ng, ‘Dapat ako ‘yan, eh,’ or, ‘Dapat mas ako sa kanya.’ And that’s our magic. Eh, lagi nga namin sinasabi, kami ang first and perfect love team," sabi ni Julia 

Ibinahagi rin ni Julia ang kanyang saya sa success ni Kathryn.

“With Kath, sobrang proud ako with her showbiz life, her business life, alam mo ‘yun? Lahat, okay, sobrang ganda nu’ng ano niya. ‘Yun lang. ‘Yun lang ‘yung lagi kong sinasabi. Hindi ko rin kasi talaga na-imagine," saad ni Julia 

Sobrang grateful din si Julia na natagpuan niyang tila isang tunay na kapatid si Kathryn.

"Parang dumating lang na para kang nakakita ng sister and you’re so proud of your sister na whatever happens, you’re just there for her. And ‘yun ako sa kanya until now... na parang ups and downs, hindi lang ako laging present pero andito ako lagi," sabi ni Julia 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post