Binasag narin sa wakas ng actress na si Angel Locsin ang kanyang katahimikan kaugnay sa pumupuna sa pagdadag ng kanyang timbang.

Nito lamang July 10 sa interview niya sa youtube channel ng Over the Glass ay ipinaliwanag niya kung bakit hindi niya sinagot ang kanyang mga basher.

"Hindi ako nagsasalita kasi, parang ano ang sasabihin ko, iyon yung opinyon [nila] sa sarili ko? 

"Totoo naman, mataba naman talaga ako. Pero di naman masusukat nun kung sino ako."

Maalala na noong nakaraang taon ay nagviral ang kanyang mga larawan na binatikos ng ilang netizens, kaya napaisip raw ang actress kung bakit big deal sa kanila iyon.

"Totoo nga, 'no? Andami nilang opinyon tungkol sa sarili ko. 

"I cannot control how other people think, pero hindi yun sukatan kung mababawasan yung pagmamahal ko sa sarili ko." 

Buti nalang daw ay mahal ni Angel ang kanyang sarili.

 "Buti na lang mahal ko ang sarili ko at nirerespeto ko ang sarili ko, dahil ang katawan na ito ay maraming pinagdaanan...

"Maraming na-achieve din naman at marami pa akong maa-achieve. 

"Kung wala ang katawang ito, wala si Angel Locsin.

"Wala ako dito. Wala akong kabuhayan. So, really grateful." 

Nagbigay rin ng mensahe si Angel sa kanyang mga basher: 

"I'm a work in progress. Kung hindi kayo natutuwa sa sarili ko, well, I'm sorry to hear that.

"But natutuwa pa naman ako sa sarili ko and I know ang kaya kong ibigay...

"And tanggap ko, I'm a work in progress.

"Maganda 'yon because there is room for improvement, di ba?"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post