Sa isang segment ng Its Showtime na "Tawag ng Tanghalan" ay ibinunyag ni Kim Chiu na ang contestant na nasa kanilang harapan ay natulungan ni Vice para sa plane ticket nito papuntang Indonesia.

"Ikaw daw ang nagbigay sa kanya ng pamasahe para mag-reunite sila ng mga anak niya sa Indonesia."sabi ni Kim 

Tila nagulat si Vice nang ikwento ng isang contestant ang rebelasyong ito dahil hindi na raw niya maalala na nagbigay siya.

Ikinuwento ng nasabing contestant na way back 2017 ay isa siya sa mga contestant sa nasabing show.

Matapos raw siyang matulungan ni Vice ay nagkita na raw sila ng kanyang anak na matagal na raw niyang hindi nakikita.

Labis naman ang pasasalamat ng nasabing contestant sa kabutihan ni Vice at hindi niya raw ito makakalimutan.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post