Masayang ibinahagi ng actress na si Ara Mina ang kanyang napakasweet na mensahe para sa kanyang magiging asawa na si Dave Almariz.

Sa kanyang instagram, ibinahagi ni Ara ang larawan ni Dave at inilahad nito ang pagadmire niya nito dahil sa pagiging generous, kind at deligence.

"Just want to let you know, Dave, that I admire you so much dahil sa maraming magandang bagay tungkol sa 'yo. Hindi ako magsasawang ipagmalaki ang kabutihan ng puso mo. Maraming magpapatunay niyan. Kahit yung mga taong 'di gumagawa ng mabuti sa 'yo alam nila sa sarili nila kung gaano ka kabuting tao. Kahit kailan wala akong nakitang kayabangan sa 'yo, punong puno ng magagandang intensyon ang lagi ko naririnig tuwing nagkukuwento ka at may mga plano ka lalo para sa ibang tao, at dun kita lalong hinangaan," sabi ni Ara 

"Wala na siguro ako makikilala na kasing sipag at tiyaga mo. Ang sarap lang ipagmalaki na kung ano man ang meron ka ngayon ay dahil sa sariling sikap. Nagpapasalamat din ako sa pagiging maunawain mo lalo sa trabaho ko. Matagal na naman tayong 'di magkikita dahil nga sa lock-in ang taping namin simula nitong pandemic. Pero ramdam ko lagi yung support mo."dagdag pa nito 

"At lalo kitang minahal sa pagiging mapagmahal mo sa pamilya dahil 'yan ang lagi kong pinagdadasal sa makakasama ko habang buhay. Sayang at 'di ko na nameet ang parents mo para magpasalamat sa pagpapalaki ng isang taong napakabuti at hinahangaan ng marami."

"Aalagaan kita tulad ng pagaalaga mo skin.☺️Naniniwala ako na may dahilan ang Diyos sa pagsasama natin. Dave, sabay natin gagawin ang mga misyon natin na maging instrument ng love ni God. Kaya kahit anong pagsubok ang dumating alam kong God’s☝🏻plan will always win " 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post