Photo Credits: ABSCBN ENTERTAINMENT

Emosyonal ang kapamilya star na si Sunshine Dizon sa sopresang pagbisita ng kanyang nga kaibigang sina Karylle at Iza Calzado sa Morning Talkshow ng kapamilya network.

Matatandaang naging malapit silang tatlo matapos silang gumanap bilang Sang're sa fantasy show ng kapuso network na Encantadia kung saan kasama nila noon si Diana Zubiri.

Nitong lunes, June 14 ay naguest si Sunshine sa Magandang Buhay.

Sa kanyang guesting ay tinanong siya ni Melai: "Anong klaseng kaibigan ka ba off-cam?".

Sagot ni Sunshine: "Parang I noticed, my friends would usually call me for advice."

Matapos nito ay napasigaw ang actress matapos biglang sumambat si Iza ng " "Ganun kasi talaga," habang lumalapit siya kay Sunshine kasama si Karylle.

Naghug agad ang tatlo at inamin ni Sunshine na naiyak siya: "Hoy na-teary eyed ako dun ha!"

Inamin rin Karylle kung paano niya tinago kay Sunshine ang paguest rin niya sa Magandang Buhay.

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post