Nagsalita narin sa wakas ang actor na si RK Bagatsing kaugnay sa relasyon nila ng actress na si Jane Oineza.

Sa isang episode ng Magandang Buhay kung saan guest siya kasama ang kanyang kapatid na si Raymond Bagatsing nito lamang Miyerkules June 30, ay ibinahagi niyang masaya at magaan ang relasyon nila ni Jane.

"Yung relationship namin ni Jane, Its light, its fun. I don't have to force anything it's there, chemistry, relax.

"Sa ngayon, sa mga pinagdadaanan natin sa buhay, sa pandemic, we need those kind of energy from other people. 'Yung lightness nakukuha namin 'yon sa isa't isa and I am very happy having her around."sabi ni RK 

Bago pa ikinuwento iyon ni RK ay ikinuwento muna ni Raymond ang pagdating ni RK kung saan kasama niya si Jane na matatandaang nakasama rin niya noon sa serye na "Araw Gabi".

"Actually nagulat na lang ako. Ano bang occasion 'yon? Birthday ni Papa or something. Biglang pagdating niya, may kasama, si Jane. Eh nakasama ko sa serye 'yon. Nagulat ako o ano lang parang deadma lang 'o, kumusta?" 

"May chemistry sila, magaan silang pareho. Pareho silang serious actors at the same time, very light naman sila off cam. You know, masaya, makulit, just enjoying life. Pero when they work pareho sila, talagang sobrang focused,"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post