Sa isang interview ng isang show ng Viva Artists Agency’ na 'Wow Moms' hosted by Candy Pangilinan ay naglabas ng kanyang prankang pahayag ang actress na si Ryza Cenon tungkol sa kanyang mga wedding plans.

Si Ryza ay may isang anak ngayon sa isang cinematographer na si Miguel Antonio Cruz.

Nang tanungin siya ni Candy kung may plano ba siyang magpakasal.

Diretsahang sumagot si Ryza ng:

"Soon… Matagal pa po… To be honest, wala pa po sa isip ko tsaka hindi po kasi s’ya priority… Dati po kasi meron akong something sa uterus ko, inverted po kasi siya. So talang tumatak na sa isip ko na, parang accept ko na na hindi ako mabubuntis talaga… nagulat lang po ako na nabuntis ako"

"Sinabi ko sa kanya na, ‘Hindi porket nabuntis mo ako pakakasalan mo ako ha’. Sabi ko, ‘Hindi ganun ‘yon… Ang pangit lang sa akin na dahil nabuntis mo ako kaya mo ako pakakasalan?’ Parang ganun po. Sinabi ko na mas gusto ko mag-jump po kami dun sa mahirap na part, eto po, iyong responsibility… may responsibility sa isa’t isa tsaka kay Night."

"Doon po namin makikita sa isa’t isa kung ano yung totoong ugali namin, kung paano namin susuportahan ang isa’t isa. Gusto ko rin po sana na mas maging matatag pa yung foundation ng relationship namin kasi anytime naman pwede magpakasal… Malaking part sa akin na pag naramdaman ko na ready na ako. Doon ko po siguro masasabi na, ‘Okay, game. Pakasal na tayo’…"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post