Sinupalpal ni Ogie Diaz ang mga basher na pumuna sa pagdubbed ni Liza Soberano sa Netflix animated series na "Trese".

Binatikos kasi ng ilang netizen ang pagdubbed ni Liza Soberano sa nasabing series.

Sa kabila nito, agad na rumesbak ang kanyang talent manager na si Ogie at denepensahan ang actress.

Ayon kay Ogie, opinyon raw iyon ng mga tao. Kung meron mang ayaw sa pagsasalita ni Liza ng tàgalog marami rin naman daw ang may gusto.

Nang sabihin naman ni Mama Loi na marami pa raw ibang artista na mas deserving sa nasabing role ni Liza, sagot ni Ogie: “Oh, pwede naman si Regine Velasqauez doon eh, kaya lang hindi naman inalok si Regine, so paano?” 

“Nabasa ko lang, marami pa raw deserving kesa kay Liza, ang problema kasi, hindi kayo taga-Netflix. Sana taga-Netflix kayo para kayo nag-decide!” dagdag pa ni Ogie 

Sinabi rin ni Ogie na hindi nag-audition si Liza sa nasabing role kundi personal siyang kinuha ng netflix.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post