Magiging ganap na ama na ang actor na si Neil Coleta na kilala sa kanyang role sa ABS-CBN series na 100 Days to Heaven, Juan Dela Cruz, at FPJ's Ang Probinsyano. 

Isang baby girl ang unang baby nilanng kanyang partner na si Wowowin dancer Jazmin Chinnei.

Nitong lunes June 7, ay masayang inanunsyo ng couple na magkakaroon sila ng baby girl, nagbahagi sila ng ilang kuha sa gender reavel na kanilang inorganisa na kung saan present din doon sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

"It's A Girl.' Yahoooo. Pero para sakin, sabi ko nga… kung ano man po kalabasan ng gender, okay na po kami dahil blessing po galing sa Panginoon. Maraming salamat po... and pangako iingatan namin sya at mamahalin" sabi ni Niel sa kanyang post

"Lalo na sayo Chin Kee. Alam ko sa mga susunod na araw mas madaming pagsubok ang darating... pero andito lang ako para sayo. Mahal na mahal kita, at salamat din sa mga friends and family na sumuporta."dagdag pa nito

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post