Viral na ngayon sa social media ang ginawang prank ni Alex Gonzaga kay Yorme Isko Moreno.

Sa kanyang vlog ay pini-feature ni Alex si Yorme Isko na kung saa pinrank niya ito na kunwari natae siya sa kanyang pants habang nagtour sila sa National Museum.

“Ang mangyayare is ipa-prank naten si Yorme ililibot niya ako dito pero magtatae ako. Basta prank lang ‘to lahat kaya pinapaalala ko lang sainyo…” panimula ni Alex sa kanyang vlog 

Sa kanilang pag-iikot nagkunwari na si Alex na sumakit ang kanyang tiyan at para maging makatutuhanan gumamit siya ng peanut butter para magmukha totoong tumae siya sa kanyang pants.

Pinuri rin ni Alex si Yorme dahil hindi ito nandidiri sa kanya.

"Uy pero alam niyo ang baet ni Yorme. Hindi siya nandiri talaga." sabi ni Alex

"Eh puro basura rin naman ang hawak ko nung araw. Puro tae rin naman nahahawakan ko nuong araw" sabi naman ni Yorme

"Diyan niyo makikita na si Yorme totoong tao. Prank ‘to ha, pero nakakahiya yun saka inaabala kita Yorme alis ako ng alis. Sorry Yorme…." nahihiyang sabi ni Alex

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post