Base sa artikulo na inilabas ng PUSH, walang paligoy-ligoy na inamin ni McCoy de Leon na nagkabalikan na sila ng ex-girlfriend niyang si Elisse Joson.

Kwento ni Mccoy na bago raw sila nagkamabutihang muli ay nagsorry raw siya kay Elisse through text bago pa nagsimula ang pandemic noong 2020.

“Ako po kasi yung tao na ayoko nung merong di kasundo na nakakasama ko. Eh, sa showbiz, magkakasama kami. Parehas po kami ng handler dati. Nag-sorry na lang ako. Nag-sorry ako sa kanya through direct message. Hanggang yun, hindi ako, hindi pa nag-reply konti, eh,” 

Nagwoworry raw si Mccoy nung time na iyon dahil hindi raw siya agad nireplyan ni Ellise.

“Nakalimutan ko na kung ano yung naging reply niya, pero magaan naman. Hindi naman galit. Nakalimutan ko na eksakto pero ayun po." 

Matapos raw magreply si Elisse at magpalitan sila ng text ay nagkita raw sila sa isang lugar na sila lang.

“Nagkita kami sa isang lugar na kami lang. Nag-catch-up kami. Masaya lang nung time na yon kasi nakwento namin yung mga achievements namin. Yung mga na-invest namin, 'Uy, eto meron kaming ganito.’ Ayun, kwentuhan lang. Tapos dire-diretso na"

Kwento pa ni McCoy, wala raw nagbago sa feelings niya para kay Elisse at napansin rin niya na tila nagmature na ang actress.

“Hindi naman nagbago. Maganda pa rin si Elisse talaga noon. Lalong gumanda. Kaya, siguro nasasabi ko hindi sa ganda, nung ano nga, nag-mature rin siya. 

“Ayun, tama. Nag-mature rin siya. Nung nagkita kami, iba siya talaga,” 

Ayon pa kay McCoy mas masture na raw ang relasyon nila ngayon compare sa dati.

“Kasi kung hindi kayo nag-grow parang inulit mo lang yung mali, eh.  o, same, same. Maraming dapat ituwid. Pero importante lang naging ano na, paano ba?  Akala namin dati matured na kami, hindi pala. May ima-mature papala kami. 

“Hanggang ngayon, natututo na rin kami. At mas stronger siguro ngayon. Lagi kaming nag-uusap. Tuwing may dumadating na problema, pag-usapan.  Ang away namin ngayon parang ano lang, kyut kyut na lang,” 

Source: Push

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post