Talagang hindi makapagpigil at binanatan ng kilalang kapamilya host na si Luis Manzano ang isang basher na nagsabing pareho silang 'beki' ng kanyang amang si Edu Manzano.

Sa Facebook post ng LionhearTV na kung saan ibinahagi nito ang isang artcard tungkol reaction ni Luis sa mga lumipat na kapamilya stars ay may isang netizen na nagkomento ng hindi kaaya-aya sa host.

Sinabi kasi ng netizen na pareho raw silang beki ng kanyang ama.

"Si Edu Manzano dalawang beses kinasal pero beki pala, like father like son 'yan."sabi ng netizen

 Agad naman rumesbak si Luis at sinabihan ang basher na "Kung galit ka sa mukha mo, huwag mo kami idamay."

 Dagdag pa ng actor: "Buti pinalabas ka ng aquarium."

Kinwestyon rin nito kung bakit nagdelete ng comment ang nasabing netizen: "Pssst... Nag-delete ka comment?"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post