Super proud ang actress na si Bubbles Paraiso sa kanyang kaibigang si Angel Locsin na kasalukuyang nagda-diet ngayon.

Matatandaan na naging usap-usapan ang actress matapos nitong ibinahagi ang pagsisimula niyang pagpapayat sa kanyang IG Stories.

Ibinahagi ni Bubbles sa kanyang IG Stories ang pagiging proud niya kay Angel.

“just want to share how proud I am of @therealangellocsin... kumakain na sya ng gulay ngayon. (she used to always put anything green on to me plate.) lookachunow!!!” sabi ni Bubbles 

“so proud of you wifey!!” dagdag pa nito 

Matapos itong makita ni Angel ay ibinahagi rin niya ito sa kanyang IG Stories.

“Sorry hindi ko na mabibigay ang gulay ko sayo. Nagbago na ko,” sabi ni Angel kay Bubbles.

“It's time to move on,” dagdag pa nito 

Photo Credits: Angel Locsin on Instagram

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post