Nagsalita na ang batikang broadcaster na si Karen Davila kaugnay sa kumakalat na isyu na magkagalit raw sila ni Korina Sanchez.

Sinagot ito ni Karen sa vlog ni Ogie Diaz.

Tanong ni Ogie: "Laging tinatanong ito sa showbiz, magkagalit ba sina Karen at Korina?"

Sagot ni Karen : "Well, I think okay, recently nagkita kami ni Korina at a party kay Anton San Diego and he posted it at ang andaming natuwa dun and I think it's because it's the first time people saw Korina and I together. And I would like to say it in the best way I could, Korina Sanchez was already an icon noong nagpunta ako sa ABS. Lumipat ako sa ABS-CBN noong 2001. Korina Sanchez na po siya. Sikat na sikat na po siya. In other words, kailanman ay hindi po kami nagpantay. Hindi po ako competitor ni Korina or the next Korina. The only person that I can be is Karen. That's all I can say."

Ayon pak kay Karen, kaya nagkaroon sila ng ganung isyu ni Korina dati ay dahil sa pilit silang pinagtatapat ng publiko. 

Matatandaan na noong nasa kabilang TV station pa si Karen ay isa siya sa hosts ng magazine show na Extra Extra kung saan direktang katapat ng show ni Korina sa ABS-CBN na Balitang K. 

Si Karen Davila din ang naging kapalit noon ni Korina sa nabakanteng upuan bilang isa sa anchors ng TV Patrol World noong 2004.

Natanong din ni Ogie kay Karen kung hindi ba nagkaroon ng isnaban kapag nagkikita ang dalawang broadcaster sa ABS-CBN noon.

"To be fair, there were times na nagbabatian kami. But we didn't have really the opportunity to really spent time together. Nasayangan lang ako in ABS was I wish Korina and I met in different circumstances that I got to know her coz people tell me she's a good friend, a loyal friend to have," sagot ni Karen.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post