Kinastigo ng singer na si K Brosas ang isang basher na nagkomento sa kanyang pagpabakuna.

Sa kanyang instagram post, ibinahagi ni K ang larawan kung saan makikitang nabakunahan siya laban sa Covid-19.

Nagpapasalamat din siya sa kanyang Sing Galing at Cignal TV family.

"yey got my 1st dose ng vaccine.. thanks sa aking @singgalingtayo at @cignal.tv family.. salamat na din sa mmff at mmda.. kaya naman vac-sing mo na! 😅😘"

Peru sa comment section ay may isang netizen ang nagkoment ng: "Wala bang salamat Duterte diyan?"

Kaya agad itong sinagot ni K at sinabihan ang basher ng: "Salamat at nagbabayad ako ng tax ko, so thanks to myself. Hehe. Wish ko sana all may vaccine na, bow."

Photo Credits: kbrosas on Instagram


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post