Kamakailan lang ay ininterview ni Aiko Melendez si Awra Briguela sa kanyang youtube vlog.

Sa nasabing interview, ay tinanong si Awra tungkol pagkawala niya sa Ang Probinsyano noong 2019.

Ayon kay Awra doble raw ang sakit na nararamdaman niya nung time nayun.

Eksaktong birthday raw niya ang kanyang last taping day.

"Nung last taping day ko is my birthday kaya mas lalong doble yung sakit. 

"3 years ako sa ‘Ang Probinsyano,’ nawala ako dun ng 2019, nagstart ako ng 2016. First taping day ko, birthday ko, last taping day ko, birthday ko rin.

 "Sobrang sakit niya sa akin kasi sa birthday ko hihiga ako sa kabaong dahil namatay ako [sa show]. 

"Kailangan ko na sila iwan and nasanay na ako na everyday ko sila kasama,"

Sa kabila nito, ay tinanggap rin ni Awra ang nangyari.

Matapos siyang umalis sa Ang Probinsyano ay nabiyan rin siya ng ibang projects at mas nago-grow pa ang kanyang youtube channel.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post