Kahapon, June 27 ay tuluyan ng nagpaalam sa ere ang show ni Angel Locsin sa Kapamilya Network na Iba Yan.

Ang nasabing show ay nagfufucos sa pagbabayanihan ng mga ordinaryong pilipino na nakakatulong para maka-inspire ng mga tao.

Si Niel Arce ang director sa nasabing show ni Angel.

Sa emosyonal post ni Angel sa kanyang social media account, ay inalala niya kung paano nagsimula ang "Iba Yan".

"Nabuo po ang ibaYan sa kasagsagan ng pandemya at sa panahon na iilan lang po ang mga programa na tumatakbo sa buong bansa" 

Aniya hindi man gaano kalaki ang programang ito peru puno naman ng inspirational stories.

"Maliit lang po ang aming programa at sana sa aming munting paraan, naibahagi po namin ang mga kwentong puno ng inspirasyon," 

Nagpapasalamat din si Angel sa mga bumubuo ng programa lalo na sa kanyang fiancé na direktor sa show.

"Maraming salamat po sa pagkakataon Tita Cory, Direk Lauren, Sir Carlo, Sir Reily, Sir Raymond, Ms. Merce, Sa aking fiancè at direktor ng aming programa, @neil_arce, ipinagmamalaki kita! Great job,"

At sa huli at nagpapasalamat si Angel sa kanyang mga viewers at sinabi nitong itutuloy parin niya ang bayanihan spirit.

"Ngayong araw man po ang huling episode, ituloy pa rin po natin ang bayanihan spirit," 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post