Inulan ng paghanga ang actress na si Andi Eigenmann matapos itong magtinda ng ukay-ukay sa Siargao at ang buong kita nito ay idodonate niya sa fundraiser.

Sa video, makitang kasama ni Andi ang kanyang anak na si Ellie at kaibigan nito na nagsort ng mga damit.

"Hi guys, we are in the playroom, we are organizing, sorting our clothes, our pre-loved for our ukay-ukay this weekend," sabi ni Andie 

Ibinunyag din ni Andi na ibenenta rin ni Ellie ang kanyang mga old clothes.

"Si Ate Ellie is also selling her clothes, her old clothes," sabi ni Andie 

Sinabi rin ni Andie na ang buong kita ng kanilang binebenta ay mapupunta sa health center.

 "Ang tagal ko nang gustong magkaron ng purpose yun mga pre-loved clothes namin.

"Alam ko na maraming ibang makikinabang and of course its better for the environment if I can see na na-pass on ko siya. But then, syempre, nahiya naman ako magbenta. 

"Ayun, so naisip ko na para hindi naman sayang ang mga binayad ng mga locals, sa kanila ko na rin ibabalik naibigay nila. Kaya ilalagay natin sa health center yung earnings. 

"Yung 100% of the earnings para makatulong naman diba? And maka-help na ma-provide yung mga kulang na materials and na mas pagandahin at ayusin pa yun health center namin dito." 

Narito ang video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post