Matapos ang 15 months na pamamahinga sa showbiz ay masayang inanunsyo ng actress na si Janella Salvador na balik siya sa trabaho.

Matatandaan na pansamantalang nagpahinga ang actress sa showbiz dahil sa kanyang pagbubuntis.

September 2020, lumipad sina Janella Salvador kasama ang ama ng kanyang baby na si Markus Paterson papunta sa United Kingdom para doon manganak.

January 2021, ay ipinakilala na nina Markus at Janella ang napakacute nilang baby sa publiko na si Baby Jude.

Samantala, inaalam pa ng Philtabloid team sa ngayon kung ano ang project ni Janella sa ABS-CBN.

Wala kasi siyang ibang binigay na ibang detalye sa kanyang post.

Peru marami naman sa kanyang tagahanga ang natuwa sa magandang balita na ibinahagi ni Janella.

"Today, I was finally able to work for the first time in fifteen months. #happyday": sabi ni Janella sa kanyang post

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post