Naglabas ng kanyang saloobin ang komedyanteng si Vice Ganda sa ABSCBN Shutdown anniversary.

Sa kanyang twitter ibinahagi ng "Its Showtime" host ang larawan ng latest slogan ng ABSCBN na "Andito kami para sa ‘yo." 

"Isang taon na ang nakalipas ng tangkain ng mga ganid at masasamang loob na ang mga KAPAMILYA ay mapagkaitan ng serbisyong kailangang kailangan nila lalo sa panahon ng pandemya. Ngunit di sila lubos na nagtagumpay. Dahil andito pa rin kami at patuloy na isinasabuhay": sabi ni Vice 

"ang sinumpaang linyang “In the service of the Filipino worldwide”.  Ang pamilya ay di sinusukuan. Nahihirapan ngunit nagtatagumpay. Andito pa rin kami para sa’yo KAPAMILYA!":dagdag pa nito 

Matatandaan na noong May 5, 2020 nagsara ang ABSCBN matapos mapasonang franchise nito.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post