Trending ngayon sa online world ang paghaharap nina Vice Ganda at leading lady ng kanyang boyfriend na si Ion sa pelikulang "Kaka" na si Sunshine Guimary.

Nitong lamang Huwebes, May 13 ay guest si Sunshine sa "Hide & Sing" segment ng It’s Showtime.

Sabi ni Vice, “Sabi ko dati, maganda lang 'yang Sunshine na ‘yan sa picture, feeling ko.

"Pero nung makita ko, hay, ang ganda niya sa personal. Mukha siyang Miss Colombia, yung mga Latina beauty sa Miss Universe.

“Kakaloka yung balakang. Ang ganda mo nga in person.

"Naka-face mask na ako naaamoy ko pa, ang bango- bango niya. Buti na lang tapos na yung pelikula niyo.”

Patunay lamang ito na walang katotohanan ang mga intrigang pinagselosan niya ang pagtatambal nina Sunshine at Ion sa Kaka.

Panoorin dito ang buong video:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post