Naglabas na ng kanyang sa saloobin ang tv-host na si Ruby Rodriguez kaugnay sa pagkawala niya sa Eat Bulaga.

Sa isang virtual media conference ng Viva Artist Agency ngayong lunes May 31, sinagot na ni Ruby ang ilang katanungan tungkol sa pagkawala niya sa nasabing noontime show.

"Aaahh, paano ko ba sasabihin? Iniisip ko kung malaki o maliit. Hindi ko alam kung pain ang word or disappointed, kasi siyempre I've been with you for 31 years and just like that. I mean, walang pagpapahalaga ba? I mean, yun ang naging question ko lang," 

Ayon kay Ruby, sina Vic Sotto at Pauleen Luna raw ang unang nakakaalam sa kanyang plano na magtrabaho sa Amerika at hindi raw siya nakapagpa-alam sa iba pa niyang mga kasama.

"Hindi na kami nakapagpaalaman kasi nga nagbu-Bulaga pa naman noong March 2020 nang biglang nagpandemya.

"Paano ka magpapaalam sa kanila? 

"Tapos nung makausap ko si Boss Tony Tuviera [president and CEO ng TAPE, Inc.], hindi pa ako nagpa-file ng leave of absence. Verbal pa lang yung agreement namin. 

"Ipa-file ko pa lang yung leave ng March 2020 kung aalis na ako. 

"Hindi pa naman ako umaalis, bakit ako magpa-file 'coz I'm going to file it a month before I leave." 

Sa tanong naman kung umalis o tinanggal si Ruby sa Eat Bulaga.

"Actually, hindi ako umalis kasi nagpaalam ako na magli-leave of absence lang ako.

"Ang sabi sa akin ni Mr. Tuviera, 'You will always have a home here in Eat Bulaga.' At siyempre, inasahan ko 'yon. 

"So, when they started to go on air, it's their decision kung sinong pababalikin nila. 

"Ang makasasagot lang kung tinanggal ako o hindi ay sila. That's why I always say, 'Please ask them.'

"I don't know how they will answer it. If they were going to say, 'Ito ba ay leave?' 

"Hindi ko alam kung ano ang desisyon nila, but it's management's decision, and we always respect that. 

"With regards if they take you out just like that, they just drop you like a hot potato, I think it's them who can answer that." 

Itinuring din ni Ruby na isang humbling experience ang pagkawala niya sa Eat Bulaga.

"It's a very humbling experience and it made me realize na sa ganitong mga pagkakataon, ganitong talagang hirap at ginhawa, you can only rely on your family and you've got to have faith with God.

"Dasal lang talaga to keep me strong and not to lose hope."

Source: PEP.PH

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post