Nagsalita narin sa wakas si Miss Universe Philippines Rabiya Matteo kaugnay sa usap-usapang larawan nila ni Ex-PBB housemate Andre Brouillette.

Kahapon May 26, ay nagpost si Andre ng larawan nila Rabiya na masayang naglu-lunch.

Maraming netizens ang nagkomento doon sa nasabing post ni Andre at iniintriga nila ito.

Nag-ugat ito ng burahin ng boyfriend ni Rabiya na si Neil Salvacion ang mga larawan ni Rabiya sa kanyang instagram kaya dito nagsimula ang rumors na baka naghiwalay na ang dalawa. 

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story, binahagi ni Rabiya ang litrato nila ni Andre at nilagay ang mga hashtags na #Friends #Workmates #NoMalice #Empire #Mercator at #ImNotAvailable.  

Photo Credits:rabiyamateo on IG


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post