Nagreact na ang komedyanteng si Ogie Diaz kaugnay sa balitang nagamit na ni Robin Padilla ang saving para sa kanilang anak.

Sa kanyang youtube channel kasama si Mama Loi, ay ipinagtanggol ni Ogie si Robin laban sa mga bumabatikos sa financial status ng actor.

Siyempre 'yung iba diyan, lalo na 'yung mga hindi nakakaintindi sa mga political views ni Robin Padilla would think na, 'Ayan, si Robin Padilla naghihirap. Kakasuporta mo sa gobyerno ayan, edi ikaw ngayon ang wala'... Siyempre hindi mo maaalis na may umoopinyon ng nega sa sitwasyon ngayon ni Robin. 

"Sa panahon na ito at inamin ni Robin na nagagalaw na niya 'yung savings ng kanyang mga anak, alam mo isang pagiging totoong tao 'yun. Na ibig sabihin, ako ang basa ko lang doon ha, na wala siyang nakukuha mula sa gobyernong sinusuportahan niya.

"Just to let them know, 'yung mga ayaw kay Robin. Minsan dinala ako ni Robin sa Fairview. Doon sa Fairview, nakita ko kung gaano karaming kapatid na Muslim ang kanyang pinapakain, ang kanyang binibigyan ng shelter. 

"Kaya sabi ko kay Robin, 'Bin, hindi ka yayaman'. Kasi 'pag mayroon kang pera, nag-iisip ka, sino 'yung susunod mong tutulungan'. Ganoon siya. Kaya bilib na bilib ako sa taong 'yan, ilang beses ko 'yan napatunayan. Hindi 'yan pakitang-tao, dahil huling sentimo ni Robin 'pag may nakita siya, ibibigay niya." Sabi ni Ogie

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post