Matapang na inamin ni Hashtag Nikko Natividad na minsan na siyang nagloko sa kaniyang non-showbiz partner na si Cielo Mae Eusebio.

Sa morning talk show ng kapamilya network na Magandang Buhay ay naging bukas si Nikko Natividad tungkol sa naging pagsubok na kinaharap nila noon ni Cielo.

"Hindi na ako magsisinungaling. Inamin ko 'yun sa vlog namin na TikTok. Nagloko ako sa kaniya isang beses. At sabi ko nga, nagpapasalamat ako sa Diyos na 'yung unang pagloloko ko sa kaniya, nahuli niya agad ako. Buti pala nahuli niya agad ako. Kasi kung hindi niya ako nahuli, uulit ulitin ko 'to eh. 'Di ba? Dahil na-try mo na eh.

 "Inamin ko sa kaniya. Sabi ko, nagkamali ako. Buti na lang, maaga pa lang nagkamali na ako. Naitama ko agad. Pinatawad niya ako. Parang sabi niya huwag mo nang ulitin kasi lahat ng pag-aawayan natin mapag-uusapan, pero kapag may pumasok na na ibang tao, 'di na raw niya kakayanin.

 "Sobrang basic niya pero malalim 'yun 'di ba. Ako hindi ako nagbubuhat ng bangko. Lalo sa celebrity, may mga babae diyan na pumapatol sa lalaki kahit alam nilang may karelasyon. Maraming nagme-message po na, okay lang kahit may asawa ka, may girlfriend ka, kahit tago. Sabi ko, labanan lang ng focus 'yan. 'Wag magpapa-tukso. 'Yun lang po talaga, at siyempre takot sa Diyos," sabi ni Nikko 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post