Arestado ang dating Pilipinas Got Talent finalist na si Mark Joven Olvido sa isang buybust operation ngayong araw May 14, sa Barangay Duhat, Sta. Cruz, Laguna.

Base sa inilabas na report ng Pep, tatlong piraso ng heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng shabu at ang marked buy-bust money na nagkakahalaga ng dalawang libong piso (Php2,000) ang nasasam mula kay Olvido.

Si Joven ay nakilala bilang Vape Master, ang third runner-up sa reality talent franchise show ng ABS-CBN na Pilipinas Got Talent Season 6. Umapir din s'ya sa ilang programa ng Kapamilya Network kabilang na ang FPJ's Ang Probinsyano.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post