Kinumpirma na ni Maris Racal ang totong relasyon nila ng singer na si Rico Blanco.

Sa isang online press conference para sa June episode ng Maalaala Mo Kaya ay prankahang tinanong si Maris tungkol sa kanila ni Rico.

"Kami po ni Rico, I think based sa post na ginawa ko po, I think it is very obvious. Right now, we’re very excited and busy [too]. We’re preparing beautiful music together. Abangan po nila iyon, soon" sabi ni Maris 

Matatandaan na naging usap-usapan sina Rico at Maris matapos ang sweet birthday greetings ng actress sa nasabing singer.

Samantala, bibida si Maris at Cris Villanueva sa MMK’s Father’s Day special sa darating na June 12 at 19.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post