Posible raw na manalo si Coco Martin kung tatakbo ito ngayong darating na eleksyon sabi ni Lolit Solis.

"Kung gusto ni Coco Martin na tumakbo sa election sa kahit ano pang posisyon, karapatan niya Salve. Iyon sinasabi na pinipilit siya ni Lito Lapid, kung tutoo , bakit hindi niya subukan. "

"Si Lito Lapid ang puwede niyang gawin malaking example para magkaruon siya ng lakas ng loob. Mula sa pagiging stuntman, extra, action star, ngayon isa ng Senador."

" Kung nagawa ni Lito Lapid, bakit hindi magagawa ni Coco Martin ? Kung anuman ang dahilan ng mga tao na iboto si Lito Lapid iyon din ang puwede maging reason para manalo si Coco Martin."

"Sa tagal ng Probinsiyano sa ere, magkaruon nga ng 2 Party List na parehong nanalo sa election, iyon mismo pang si Coco Martin ang hindi mananalo. Sureball na sa dami ng mga nanuod ng Probinsiyano, sa naging tatak nito sa utak ng manunuod , tiyak na matatandaan nila ang pangalan Coco Martin isulat sa balota."

"In fairness, kahit sa mga kasamahan niyang artista mabango ang pangalan ni Coco Martin. Marami siyang naging kaibigan kaya siguro marami din ang nagbibigay lakas loob sa kanya. So kung gusto niya tumakbo, go go Coco Martin. Karapatan mo iyon."sabi ni Lolit sa kanyang post

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post