Matapos ang limang taong pamamahinga sa showbiz, ay pumirma kamakailan si John Lloyd Cruz sa talent agency ni Maja Salvador na Crown Agency.

Photo Credits: GMA

Matapos ang limang taong pamamahinga sa showbiz, ay pumirma kamakailan si John Lloyd Cruz sa talent agency ni Maja Salvador na Crown Agency.

Muling naging usap-usapan ang actor matapos naispatan itong tila nakipagmeeting kay Willie Revillame at Direk Bobot Mortiz.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na naispatan si John Lloyd na kasama si Willie.

Matatandaan na ikinuwento ni Willie sa May 19 episode ng Wowowin ang pagheart to heart talk nila ni John Lloyd noong pumunta ang actor sa kanyang resort.

“Gusto ko lang batiin 'yung kaibigan nating si John Lloyd. Kagabi kasama ko siya, nasa Puerto Galera kami. Nagkuwentuhan kami sa buhay. Tinanong ko siya, 'Bakit ka ba huminto?' Maganda 'yung mga rason niya eh.

“'Burnout ka na. Ito na lang po ginagawa ko araw-araw. 'Pag gising ko, shooting. 'Pag tulog ko, 'pag gising ko, shooting.' 'Yun bang binigyan niya ng halaga 'yung sarili niya. Dapat ganyan din tayo eh." sabi ni Willie

Hint na ba ito para lilipat sa GMA? Anonsa tingin niyo mga kapamilya?

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post