Emosyonal ang komedyanteng si Jobert Austria sa muli nilang pagkikita ng kanyang biological mother na si Armanda Villanueva.

Pinaampon raw siya ng kanyang ina noong siya ay baby pa lamang 50 years na ang nakaraan.

Inamin rin ni Jobert na nasaktan siya sa ginawa ng kanyang magulang peru pinatawad na niya ito at masaya siya dahil nagkita na silang muli.

"Itong araw na ito ang pinakaimportante sa akin dahil kikitain ko ang nanay ko—ang totoong nanay ni Kuya Jobert. Ilang taon kaming hindi nagkita ng nanay ko. 

"Nagpapasalamat ako sa Diyos kasi nabigyan ako ng pagkakataon na makita ang nanay ko, ang totoong nanay ko. Mayakap, mahalikan, matanong yung mga bagay na gusto kong tanungin mula nung bata pa ako hanggang ngayon na tumanda na ako. 

"Diko alam kung anong mararamdaman ko. Medyo kinakabahan ako. Medyo masaya ako. Medyo may tampo pa rin ako, di ba, kasi marami akong tanong. Pero nagpapasalamat ako sa Diyos kasi ito na yung araw nahinihiling ko. Pinagkaloob na Niya sa akin. 

"Isipin mo, 50 years old na ako. Ilang taon din akong nagtampo doon, eh. Hindi n’yo pala malalampasan yung nakaraan n’yo. Hindi kayo makaka-move on hangga’t hindi n’yo naaayos yung relationship n’yo kahit kanino lalo na yung mabibigat sa buhay n’yo. Maaapektuhan talaga yung future niyo," Sabi ni Jobert

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post