Sa interview kay Jhong Hilario sa CinemaNews At Home edition via zoom nung nakaraang April 23, 2021 ay nagbahagi ang actor tungkol sa kanyang baby na si Sarina.

Kwento ni Jhong, mukha raw magiging dancer rin ang kanyang anak dahil sa tuwing umiiyak raw ito ay tumatahan kapag hinehele o sinasayaw kanyang sinasayaw

"Sa recent post sa IG, makikita mo talaga na pag sinabi mong, Sarina smile for Daddy, 'natiyempo talaga nag-smile siya.":Sabi ni Jhong

"Sabi ko baka tsamba, kapag naririnig niya ang boses ko. Nagseselos nga si Maia, di nag-smile sa kanya, bihira. Pag ako nakikipag-usap, nag-i-smile, sobrang laki."

"Pag minsan na umiiyak, kailangang buhatin, kinakantahan ko, tumatahimik, kumakanta ako ng ibang songs."

"Minsan may time na umiiyak, sinasayawan ko naman, tumatahimik naman."

"Feeling ko mahilig sa music ang batang ito. Feeling ko magkakasundo kami nito pagdating sa talent."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post