Nagsalita na si Sample King Jhong Hilario tungkol sa bali-balitang lalayasan raw niya ang ABSCBN.

Sa panayam kay Jhong Hilario ng CinemaNews At Home edition via zoom nung April 23, 2021, natanong siya kung lilipat na ba siya ng ibang tv network, ito'y matapos niyang umalis sa Your Face Sounds Familiar at pansamantala sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.

Ayon kay Jhong, wala raw katotohanan ang mga ito. Tanging ang kaligtasan ng kanyang anak ang kanyang iniisip.

"May narinig ako na lilipat yata, dalawang show ang tinanggihan, baka may offer.

"Unang-una wala akong offer, walang lipat na mangyayari.

"It's about my daughter, siya pinag-uusapan dito."

"Yung nangyayari ngayon sa Pilipinas, yung pandemic, gaano katagal nangyayari. 

"Hindi siya kumukaunti, lalo siyang dumadami.

"Ako kung sa kakayanin ko, kakayanin ko.

"Kahit nag-pandemic, nag-Showtime ako, nag-YFSF. Kung ako, okay lang.

"Pero paano pag ang anak ko, wala siyang kalaban-laban, matatamaan at maaapektuhan?

"Di ko iri-risk ang buhay ng anak ko dahil lang sa trabaho."

"Sobra siyang naiintindihan ng ABS management, ng mga kasama ko kaya sobrang thankful ako."

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post