Inihalintulad ni Janice de Belen ang Init sa Magdamag star na si Gerald Anderson sa isang Bangus.

Sa kanyang guesting sa Magandang Buhay, ay tinanong ang actresss kung anong pagkain maihalintulad niya si Gerald.

"Love ko ang bangus. Favorite ko ang bangus kaya lang matinik. Matinik kasi parang ang daming isyu," sabi ni Janice 

Matatandaang noong 2015 ay lumabas ang bali-balitang nag-uugnay kina de Belen at Anderson. Humingi pa ng paumanhin noon si Anderson kay de Belen matapos itong madamay sa naging hiwalayan nila ng aktres na si Maja Salvador.  

"Like me, for example. Hindi ba na-link kami for a while, wala naman talagang ili-link. It's just that for the longest time that we worked together at kahit na nung hindi kami nagwo-work together, he is really like a brother to me. Super brother ang tingin ko sa kanya. Brother, barkada, kasi napagkukuwentuhan namin ang kahit ano," sabi ni Janice 

Nagbago raw ang kanilang pagkakaibigan dahil sa nasabing isyu.

"And you know that thing is, ang hirap sa trabaho natin kasi kapag na-tsismis ka na, na-link ka ng ganyan, whether you like it or not, totoo o hindi, it destroys frienship," ayon sa aktres.

"Hindi naman destroyed ang friendship namin but our friendship has changed," ani ayon kay Janice 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post