Pumanaw na ang batikang Entertainment News Writer na si Ricky Lo sa edad na 75.

Kinumpirma ito ng actor na si Ced Torrecarion sa pamamagitan ng kanyang facebook post.

"Rest in Peace Ricky Lo... Thank you for the conversations and wonderful articles you wrote about me. Please kiss and hug Mom in Paradise..."sabi ni Ced sa kanyang post

Sa report ng ABSCBN News, pumanaw si Lo 10 p.m. ng martes dahil sa stroke sabi ng kanyang kapatid na si Susan Lee. Nagcelebrate pa umano ito ng kanyang birthday nitong April 21.

Si Ricardo F. Lo, o mas kilala bilang Ricky Lo (April 21, 1946 – May 4, 2021), ay isang entertainment writer, showbiz commentator, at TV host dito sa  Pilipinas.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post