Sa isang interview ni Ogie Diaz kay BidaMan finalist na si Jervy delos Reyes ay  ipinaliwanag nito kung bakit niya pinasok ang pagiging online s*x worker. 

Ayon kay Jervy, nagawa raw niya ito dagil sa kanyang pinagdadaanan.

"Siguro po, para sa akin, feeling ko, nagawa ko dahil sa pinagdadaanan ko po talaga. May depression po ako."

Ito rin daw ang naging way niya na mahanap ang kanyang sarili.

"Parang isa po siya sa naging way para mas mahanap ko 'yung sarili ko. Kasi dati po, sobrang natatakot po ako sa judgment. Sobrang natatakot po ako sa sasabihin ng ibang tao.

" Sobrang natatakot po ako sa sarili ko. Parang... sobrang ang dami kong weakness dati, na ngayon, yung weakness ko na 'yon, nagagamit ko na siya as strength. Parang nate-train ko po yung sarili ko sa sobrang dami po ng namba-bash sa akin ngayon, as in andaming masasakit na salita. Pero ngayon po, parang... nama-manage ko. Nakokontrol ko 'yung emotions ko ngayon, na hindi dapat magpaapekto dahil mas kilala mo ang sarili mo. Iyon po."

Panoorin dito ang buong interview sa tatak na 13:00.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post