Napatigil ang boyfriend ni Miss Universe Philippines Rabiya Matteo na si Neil Salvador sa pagreview matapos niyang mapanood ang kanyang girlfriend na rumarampa sa sa entablado ng Miss Universe.

Ibinahagi niya ang kanyang naging reaksyon sa kanyang Ig stories at talagang todo suporta at proud boyfriend si Niel kay Rabiya.

"Review: paused, jaw: dropped, heart: pounding eyes: (crying emoji)" caption ni Niel sa kanyang post 

"Yoooowwww!" naman ang naging reaksyon ni Neil sa swimsuit competition ng kanyang girlfriend at mayroong emoji na 'heart' and 'fire'. 

Photo Credits: Neil Salvador Instagram

Anim na taon nang magkarelasyon sina Rabiya at Neil. Sa mga nakaraang interview ay sinisiguro ni Rabiya na walang magbabago sa kanila kung saan man dalhin ang kanyang Miss Universe pageant.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post