Nagreact na si Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida sa naging performance ni Rabiya Matteo kanina sa Miss Universe 2020 competition.

Ayon kay Ariella, nanghihinayang umano siya kay Rabiya dahil nakitaan umano niya ito ng hardwork.

“Nasasayangan talaga ako sa mukha ni Rabiya, parang for a representative sa Miss Universe, gandang-ganda kasi talaga ako sa kanya.” 

“Kita ko naman 'yung hard work niya kung paano niya nilaban 'yung competition." 

"Siguro I would comment lang kung ako 'yung judge, medyo napansin ko na kung hindi ko siya kilala parang kinakabahan ng kaunti” 

Gusto raw sana ni Ariella na makita ang ngiti ni Rabiya dahil lalo raw itong gumaganda peru bihira raw niya itong nakikita.

"Hinihintay ko kasi siya mag-smile talaga kasi doon siya naggo-glow, even the eyes. Serious look siya. Pero sobrang ganda niya, ang ganda ng makeup perfect look. So baka kinabahan siya during that time" 

Kahit di nakapasok sa top 10 proud parin siya kay Rabiya.

"To think na ang daming candidates na akala natin strong contender pero hindi napasok sa top 21, for her to be able to be part of top 21, it’s something to be proud of" 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post