Nag-alay ng isang tula ang kapamilya star na si Angel Locsin para sa unang anniversary ng ABSCBN Shutdown.

Matatandaan na May 5, 2020 nagsara ang nasabing estasyon matapos mapaso ang prankisa nito.

Sa kanyang instagram, ibinahagi ng actress ang ilang larawan sa pagsasara ng ABSCBN na nakasave sa kanyang phone.

"Isang taon na ang lumipas.

Pero ang sakit ay hindi lilipas.

Hirap man,

pero kailangan pa ring bumangon.

Para sa tao.

Hindi man maintindihan ng iba ang nasa puso,

Patuloy pa rin sa pagbangon.

Hindi susuko at patuloy na lumalaban.

Dahil para sa tao.

Laging para sa tao." Ayon sa tula ng actress 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post